Atong Ang, gustong ipatawag sa imbestigasyon ng Kamara sa STL

By Jay Dones November 13, 2015 - 04:19 AM

 

Inquirer file photo

Nais ng isang partylist group na ipatawag sa imbestigasyon sa Kamara ang gambling expert na si Charlie ‘Atong’ Ang.

May kinalaman ang pagdinig sa alegasyon na natake-over na ng mga jueteng lords ang operasyon ng Small Town Lottery at maging ang Virtual 2 Ball games na pinatatakbo ni Ang.

Naghain ng resolusyon si Abakada Partylist Rep. Jonathan de la Cruz na nag-aatas sa committee on good governanment and public accountability na imbestigahan ang pagpapalabas ng Cagayan Economic Zone Authority ng license to operate gaming activities sa Freeport.

Paliwanag ni De la Cruz, ang Meridien Vista Gaming Corp. na pag-aari ni Ang ang nag-ooperate ng gambling business sa loob ng CEZA sa pamamagitan ng lisensya na ipinalabas nito.

Ilang foreign government institutions na rin ang nagbigay aniya ng impormasyon na ginagamit ang naturang mga pasugalan bilang front ng money laundering activities.

Matatandaang binuksan ng Committee on Good Government and Public Accountability ang imbestigasyon sa alegasyon ni PCSO Chairman Ayong Maliksi na nagsabing nasakop na ng mga jueteng lords ang operasyon ng STL.

Nais sana ni Maliksi na suspendihin muna ang operasyon ng lahat ng STL sa bansa hangga’t hindi natitiyak na hindi nadadaya ang gobyerno sa kita ng mga STL franchises.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.