Azkals bigong maiuwi ang AFF Suzuki Cup

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):
AFF Suzuki Cup

Hindi pinalad ang Philippine Azkals na makuha ang AFF Suzuki Cup.

Ito’y matapos silang talunin ng koponan ng Vietnam sa pamamagitan ng 2-1 goals, pabor sa kalaban.

Bagaman malungkot sa pagkakatalo, ay sinabi ni Phil Younghusband na proud pa rin siya sa mga teammates dahil binigay ng mga ito ang lahat ng kanilang makakaya para sa laro.

Bago ang laro, umasa ang koponan na mauulit ang tinawag na “Miracle of Hanoi” kung saan tinalo nila noong 2010 ang Vietnam sa iskor na 2-0.

Si James Younghusband ang nakapagpasok ng isang goal sa ika-89 na minuto ng laro, ngunit nauna nang nakapagtala ng dalawang goals ang kalaban.

Dahil sa pagkatalo ay wala na muling pagkakataon ang Pilipinas na makapasok sa finals ng Suzuki Cup.

Samantala, ang Vietnam naman ay sunod na makakaharap ang Malaysia para sa finals round.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.