Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila; isa nadamay

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 12:31 AM SHARE(S):

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay 105, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dominic Maquirang, 38 taong gulang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtitinda lamang ng relo ang biktima nang ito ay lapitan ng dalawang suspek na nakilala lamang sa alyas Benjie at Joshua.

Walang pag-aatubili ay malapitang pinaputukan ng dalawa ang ulo ni Maquirang na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Nadamay pa sa pamamaril ang isang menor de edad na lalaki na nakikipag-inuman lamang malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Agad tumakas sina alyas Benjie at Joshua matapos ang pamamaslang.

Habang patuloy na tinutugis ng mga pulis ang mga suspek na nabatid na residente din sa lugar, inaalam din ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.