Highway patrol officer binaril ng isang motorista sa Cagayan de Oro

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 12:26 AM SHARE(S):

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang miyembro Regional Highway Patrol Unit (RHPU-10) matapos itong barilin ng isang motorista sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.

Ayon kay Police Region 10 Spokesperson, Superintendent Surki SereƱas, hinarang nina SPO2 Lyndie Baltazar at SPO1 Serge de Constantine Maceren ang isang sasakyan dahil sa kahina-hinala nitong plaka.

Nakilala ang driver ng Hyundai Accent na si Abdul Rahim Batawi Adilao.

Kwento ng mga saksi, habang kinompronta nina Baltazar at Maceren si Adilao, ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Walang nagawa ang mga otoridad kundi gumanti ng putok.

Kapwa dinala sa ospital ang sugatang sina Baltazar at Maceren, ngunit idineklarang dead on arrival si Baltazar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.