Dating pulis patay sa pamamaril sa Maynila

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 02:21 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang dating pulis matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si dismissed PO3 Rodrigo Asuan, Jr.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng kanyang motorsiklo si Asuan at bibili lamang sana ng itlog para sa kanilang sari-sari store.

Habang nagmamaneho ay sinalubong ito ang dalawang hindi nakilalang lalaking sakay ng isa pang motorsiklo at agarang pinaulanan ng bala.

Matapos ang krimen ay agad na tumakas ang mga suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng kalibre .45 baril.

Nabatid na dating nakatalaga sa Manila Police District Station 7 si Asuan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.