Lalaki nasawi matapos maipit sa mga nag-amok na elepante

By Justinne Punsalang December 07, 2018 - 12:16 AM SHARE(S):
AFP

Isang 41 taong gulang na lalaki ang namatay matapos maipit sa mga nagwawalang elepante sa Pemathang, Bhutan.

Ayon sa mga otoridad, gabi ng Lunes nang maganap ang insidente.

Papauwi na sana ang biktima nang mag-shortcut ito at makasalubong ang mga elepanteng nag-aamok.

Nabatid na agad na nasawi ang biktima dahil sa tinamo nitong head injury.

Bagaman madalas nakapamiminsala ng mga tanim at ari-arian ang mga elepante, ang naturang insidente ng pagkamatay ay unang beses pa lamang ngayong taon.

Dahil sa takot, marami sa mga magsasaka at residente sa bayan ang hindi na lumalabas ng kanilang mga tahanan kapag pumatak na ang dilim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.