M3.1 na lindol, naitala sa Northern Samar

By Rhommel Balasbas December 07, 2018 - 01:19 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Northern Samar alas-12:06 kaninang hatinggabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 39 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Palapag.

May lalim itong 10 kilometro.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman nakapagtala ng aftershocks.

Wala ring inaasahang pinsala sa mga ari-arian dahil sa lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.