(UPDATED)
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao Occidental alas-10:13 kagabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 19 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Malita.
Nauna nang sinabi ng ahensya na may lakas lamang na magnitude 5.0 ang lindol ngunit itinaas ito sa magnitude 5.3 sa inilabas na pangalawang bulletin.
May lalim ang pagyanig na 185 kilometro.
Tectonic ang dahilan nito.
Naitala ang Intensity II sa General Santos City habang Intensity I sa Davao City at Sta. Cruz, Davao del Sur.
Instrumental Intensity II naman ang naitala sa Alabel, Sarangani; General Santos City.
Habang Instrumental Intensity I sa Davao City at Tupi, South Cotabato.
Inaasahan pa rin ang aftershocks bunsod ng pagyanig ngunit wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian.