Revilla dapat ma-convict sa pork scam ayon sa dating Ombudsman
Hindi dadalo si retired Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa nakatakdang promulgasyon ng Sandiganbayan kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. bukas (December 7, 2018).
Ito ay para sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam, na dinidinig ng anti-graft court mula pa noong 2014.
Pero ayon kay Carpio, kung siya ang hukom at kung pagbabasehan ang mga ebidensya ng kanyang opisina noon, iko-convict daw niya si Revilla, sabay sabing “period.”
Handa naman si Atty. Levi Baligod na tanggapin kung anuman ang magiging hatol ng Sandiganbayan kay Revilla.
Ani Baligod, guilty o not guilty man, ito ay produkto ng judicial system na mayroon ang ating bansa.
Pero mas nababahala raw si Baligod sa pahayag ng misis ni Revilla na si Lani Mercado-Revilla sa isang pagtitipon sa Tacloban kamakailan.
Sinabi raw ni Mercado-Revilla na acquitted ang kanyang asawa.
Kaya tanong ni Baligod, “prescience” daw ba ito ng misis ng dating senador.
Si Baligod ang unang nagreklamo laban kay Revilla at kina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, ukol sa umano’y pagkamal nila ng kickbacks mula sa pork barrel scandal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.