Ang reaksyon ng CHR ay bunsod ng pinakabagong remarks ni Duterte na patayin ang mga obispong walang silbi, kritikal at panay banat lamang sa administrasyon.
Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, ang tagapagsalita ng CHR, ang mga statement ni Pangulong Duterte ay nagtutulak ng karahasan laban sa mga taga-simbahan.
Ani De Guia, ang simbahan at mga pari o obispo, gaya ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ay naglilingkod sa mga komunidad at tumutulong sa mga mamamayan na nakararanas ng iba’t ibang uri ng human rights violations mula sa kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa ilegal na droga.
Giit ni de Guia, sa halip na tawaging “useless” ang simbahan at mga taong bumubuo nito, mainam na ang kanilang concern ay isaalang-alang na lamang ng gobyerno bilang hamon, upang mas mapagbuti ang pag-protekta sa human rights ng lahat.