Duterte: Just stay with God

By Chona Yu December 06, 2018 - 07:14 PM

Inquirer file photo

“Stay with god at huwag magpaloko sa relihiyon”.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga katoliko sa bansa.

Inirekomenda pa ng pangulo sa mga katoliko na basahin ang libong “Altar of Secrets” na isinulat ng namayapang si Aries Rufo.

Laman ng nasabing aklat ang mga iskandalo na kinasasangkutang ng ilang mga pari at obispo sa bansa.

Kinabibilangan ito ng ilang mga kaso ng mga paring bakla, sangkot sa kurapsyon at mga nagkaroon ng anak na inimbestigahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

Ayon sa pangulo, kapag nabasa ng publiko ang libro, tiyak na kinabukasan ay hindi na sila mga katoliko.

Ikinadididsmaya ng pangulo ang mga banat ng mga pari gamit ang pulpito.

Kung demonyo aniya ang tawag sa kanya ng pari, ano naman ang maitatawag sa mga pari na nasasangkot sa anomalya o iba pang kontrobersiya.

Kinakailangan aniya na mag-shape up na ang mga pari at umayos na dahil tiyak na mababasa ng mga susunod na henerasyon ang mga dokumento na naglalaman ng mga anomalya na kinasasangkutan ng mga pari.

TAGS: altar of secrets, CBCP, duterte, katoliko, Obispo, pari, altar of secrets, CBCP, duterte, katoliko, Obispo, pari

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.