Duterte umamin na galing sa ospital

By Chona Yu December 06, 2018 - 05:33 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Muli na namang nagtungo sa ospital si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ng pangulo sa 85th anniversary ng Department of Labor and Employment sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na kinunan siya ng dugo sa kaliwang braso.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo, kung anong partikular na sakit o kung anong proseso ang ginawa sa kanya ng mga doktor.

Hindi rin tinukoy ng pangulo kung saang ospital siya nagtungo.

Biro pa ng pangulo, nang turukan siya ng syringe, hindi dugo ang nakuha kundi hangin lamang.

Ipinakita pa ng pangulo sa harap ng publiko ang marka ng karayom.

Pero ayon sa mga nakapaligid sa pangulo, sumailalim sa regular blood chem test ang pangulo.

Matatandaan na noong Oktubre lamang, inamin ng pangulo na nagtungo siya sa Cardinal Santos Medical Center para sumailalim sa endoscopy at colonoscopy.

TAGS: DOLE, duterte cardinal santos hospital, hospital, DOLE, duterte cardinal santos hospital, hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.