Pinaka-mahabang gabi mararanasan sa Dec. 22

Inquirer file photo

Makararanas ng winter solstice sa Pilipinas sa December 22, 2018.

Ayon sa PAGASA, magiging mas mahaba ang oras ng gabi sa nasabing araw dahil sa winter solstice.

Ito ay isang astronomical event kung saan ang Sun ay nasa pinakamalayong posisyon sa Timog bahagi ng equator.

Sa ibang bansa, hudyat ito nang pagsisimula ng winter season sa Northern Hemisphere at summer naman sa Southern Hemisphere.

Dahil bahagi ang Pilipinas ng equatorial region, hindi tayo makararanas ng winter season at sa halip ay makararamdam lang ng mas malamig na temperatura.

Ang sunrise sa December 22 ay papatak sa 6:16 ng umaga habanag ang sunset naman ay bandang 5:32 ng gabi.

Dahil dito, magiging 12 hours and 44 minutes ang gabi sa buong bansa.

Read more...