Ayon kay Villarin, walang dapat ipagdiwang ang mamamayan lalo’t mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin bunsod ng demand ngayong Pasko at posibleng magbago ng direksyon ang oil prices sa world market kapag tinapyasan ang produksyon.
Tiyak rin anyang magkakaroon ng speculative pricing sakaling ipilit ang implementasyon ng second tranche ng excise tax sa langis sa Enero.
Paliwanag pa ng mambabatas, malinaw na ang mataas na inflation ay dulot ng excise taxes at hindi ang paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.
Pinayuhan naman niya ang economic managers ng administrasyong Duterte na iwasan nang maglaban-bawi sa anti-inflationary measures dahil kahit nakakatikim na ng ginhawa ang mga motorista sa sunud-sunod na rollback sa petrolyo ay muli silang malulunod pagpasok ng taong 2019.