Pagbebenta ng lambanog itinigil muna sa Calamba City

Iniutos ng City Health Office ng Calamba ang pagpapatigil sa pagbebenta ng lambanog sa lungsod.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng magkukumpari na uminom ng nasabing alak.

Nagpadala na rin ang Calamba City Health Office ng sample ng lambanog sa Food and Drug Administration (FDA) para masuri.

Maliban sa mga nasawi sa Calamba, mayroon ding magkukumpare na nasawi sa kalapit na Sta. Rosa, Laguna matapos mag-inuman ng lambanog.

Read more...