Isa na namang insidente ng hinihinalang pagkalason sa lambanog naganap sa Laguna; 4 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 11:40 AM

Apat na magkukumpare ang nasawi makaraang uminom ng lambanog sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa impirmason mula sa Barangay Pooc sa nasabing lungsod, naganap ang inuman ng limang lalaki noong Sabado. Kinabukasan, isa-isang nakaramdam ng pannaakit ng tiyan at pagkahilo ang mga ito kaya agad silang isinugod sa ospital.

Gayunman, isa lamang sa kanila ang nakaligtas habang ang apat ay binawian ng buhay.

Unang nasawi si Gonzalo La Torre noong linggo ng madaling araw. Nasawi din si Severino Callos, 63; Armino Caramay at si Roy Basbas.

Base sa pahayag ng isang nakaligtas madalas naman silang nag-iinom ng lambanog at noong Linggo lamang sila nakaramdan ng pananakit ng tyan.

Galing sa lalawigan ng Quezon ang lambanog na ininom ng grupo na nabili nila sa isang tindahan.

Sinusuri na ng mga otoridad ang sample ng lambanog na ininom ng lima.

Una rito, mayroon nang limang naunang nasawi sa Calamba City matapos ding mag-inuman ng lambanog.

Unang namatay noong Nov. 28 si Jonathan Barceta matapos manghina at manakit ang tyan nang makipag-inuman sa barkada.

Habang nakaburol si Barceta, muling nag-inuman ang kaniyang mga kabarkada na naging sanhi ng pananakit din ng kanilang tyan at kalaunan ay magkakasunod ding nasawi.

Ang brand ng lambanog na ininom ng mga biktima sa Sta. Rosa at Calamba ay iisa.

 

TAGS: laguna, lambanog, Radyo Inquirer, laguna, lambanog, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.