DOJ humirit sa Davao court ng HDO vs Sen. Trillanes

By Ricky Brozas December 06, 2018 - 11:17 AM SHARE(S):

Naghain ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa Davao City para hilingin sa korte doon na magpapalabas ng hold departure order laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatakdang dinggin ng Davao Regional Trial Court na humahawak sa kasong libelo ng senador ang mosyon ng DOJ bukas.

Pero agad nilinaw ni Guevarra na ang paghahain ng mosyon para maglabas ang Davao court ng hold departure order ay walang kaugnayan sa naunang pasya ng Makati Regional Trial Court na payagang makabiyahe sa Europe sa December 11 si Trillanes.

Standard operating procedure anya para sa prosekusyon na hilingin sa korte na pigilan ang kanilang isinasakdal na maka alis sa bansa para sa mas mabilis na pag usad ng kaso.

Bukod sa pagdinig ng Davao RTC bukas sa mosyon ng DOJ, diringin naman ng Makati RTC Branch 150 ang apela ng DOJ na bawiin ang unang pagpayag ng korte na makabiyahe abroad si Trillanes dahil sa pagiging flight risk nito.

Maliban sa pagiging flight risk ay mayroon pa umanong ibang kinakaharap na kaso si Trillanes sa ibang korte.

TAGS: antonio trillanes, Davao City, DOJ, libel case, Radyo Inquirer, antonio trillanes, Davao City, DOJ, libel case, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.