6 na US marines nawawala matapos magbanggaan ang 2 military aircraft sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 10:40 AM SHARE(S):
U.S. Marine Corps Air Station Iwakuni in Japan.

Anim na US marines ang iniulat na nawawala matapos magkabanggaan ang dalawang American military aircraft sa karagatang sakop ng Japan habang nasa refuelling operation.

Sa pahayag ng US Marines sa Japan nangyari ang aksidente alas 2:00 ng madaling araw sangkot ang dalawang eroplano kabilang ang F-18 fighter at C-130 tanker.

Nagkabanggaan umano ang dalawang aircraft na kapwa kaka-take off pa lamang sa Marine Corps Air Station Iwakuni sa southern Japan.

Isa na ang nailigtas pero ang nalalabing iba pang miyembro ng US Marines ay hindi pa natatagpuan.

Sakay ng C-130 ang limang servicemen, habang lulan naman ng F-18 ang dalawang sundalo.

Inaalam na ngayon kung ano ang naging sanhi ng banggaan habang patuloy na pinaghahap ang limang nawawala.

TAGS: Marine Corps Air Station Iwakuni, us marines, Marine Corps Air Station Iwakuni, us marines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.