P1M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Bacoor

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 10:12 AM

Aabot sa P1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Cavite.

Sinalakay ang isang hotel sa Bacoor City, target ang kilalang tulak ng ilegal na droga na si Nida Sarif alyas Madam.

Ayon kay Supt. Vincente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police, si Sarif ay supplier ng ilegal na droga sa Region IV.

Nadakip sa nasabing operasyon si Sarif gayundin ang kaniyang umano’y hitman na si alyas Kamar Malawe na residente ng Marawi City. Dinakip din ang tatlong iba pang nadatnan sa lugar na sina Irene Collado, Vivencio Balatayo at April Joy Ramirez.

Nagpanggap na bibili ng shabu sa grupo ni Sarif ang isang police asset at sa naturang hotel nagkasundo na gawin ang transaksyon.

Walong sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek at isa pang malaking supot ng shabu na tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga.

Nakuhanan din ang grupo ng isang sachet ng marijuana at isang kalibre 45 na baril.

TAGS: bacoor city, Radyo Inquirer, bacoor city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.