3 sunog sumiklab sa QC, Maynila at Caloocan

 

Binulabog ng halos sunud-sunod na sunog ang tatlong lugar sa Metro Manila Huwebes ng gabi.

Unang sumiklab ang sunog sa hanay ng mga kabahayan sa bahagi ng Bgy. 98, 10th Avenue, Grace Park Caloocan City magaalas-otso ng gabi.

Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa anim na tahanan sa sunog na umabot sa 4th alarm bago tuluyang naapula dakong pasado alas 8:30 pm.

Sumunod na sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng carton boxes sa Bgy. Bagong Bayan, Quezon City dakong alas 9:13 ng gabi.

Sinasabing nagsimula ang insidente sa isang bahagi ng corrugator na ginagamit sa paggawa ng mga cardboard box na umabot sa Task Force Bravo.

Sa inisyal na report, 3 katao ang iniulat na nasaktan kabilang na ang isang bumbero.

Pasado alas-diyes naman ng gabi, isa pang sunog ang sumiklab sa Gamban St., Balut Tondo Maynila.

Umabot sa 4th alarm ang insidente na tumupok sa hindi bababa sa 30 bahay na gawa sa light materials.

Napabayaang kandila ang sinasabing dahilan ng sunog na naapula lamang dakong alas 11:07 ng gabi.

 

Read more...