Fetus inabandona sa isang mall sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 09:53 AM SHARE(S):
Police banner

Isang fetus ang natagpuang abandonado sa loob ng isang mall sa Makati City.

Ang fetus ay natagpuan ng tagalinis sa loob ng CR sa 4th floor ng mall sa Arnaiz Street.

Ayon sa Makati City police, agad iniulat sa kanila ang pagkakatagpo sa fetus.

Inaalam na ngayon kung sino ang nag-iwan ng fetus sa CR.

Partikular ding pag-aaralan ang CCTV footage sa loob ng mall.

TAGS: fetus, makati city, Radyo Inquirer, fetus, makati city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.