Ang iba pang sakay ng bangka ay nagawang mailigtas ng mga tauhan ng International Organization for Migration at dinala sila sa Libya.
Ginagamot sila ngayon ng mga medical staff ng IOM.
Ayon sa IOM, sampu ang kanilang nailigtas at mayroon pang tatlo ang nawawala.
Karamihan sa mga ito ay nakararanas ng matinding pagkagutom at pagkapagod matapos ma-stranded ng mahabang panahon sa karagatan.
Apat sa kanila ay nangailangan ng emergency medical care at agad inilipat sa isang pribadong pagamutan sa Tripoli.
MOST READ
LATEST STORIES