12 patay, 3 pa ang nawawala sa paglubog ng isang rubber boat sa Libya

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 09:39 AM SHARE(S):

Tinatayang aabot sa 12 katao ang nasawi matapos lumubog ang isang rubber boat na ilang araw nang nasa karagatang sakop ng Misrata, Libya.

Ang iba pang sakay ng bangka ay nagawang mailigtas ng mga tauhan ng International Organization for Migration at dinala sila sa Libya.

Ginagamot sila ngayon ng mga medical staff ng IOM.

Ayon sa IOM, sampu ang kanilang nailigtas at mayroon pang tatlo ang nawawala.

Karamihan sa mga ito ay nakararanas ng matinding pagkagutom at pagkapagod matapos ma-stranded ng mahabang panahon sa karagatan.

Apat sa kanila ay nangailangan ng emergency medical care at agad inilipat sa isang pribadong pagamutan sa Tripoli.

TAGS: foreign, Misrata Libya, Radyo Inquirer, foreign, Misrata Libya, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.