Katarungan para kay Father Tito Paez hiling ng Simbahan sa pamahalaan

By Ricky Brozas December 06, 2018 - 09:17 AM

Umaapela sa pamahalaan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa katarungan ng mga pinaslang indibidwal dahil sa pagtulong sa mga naisasantabing sektor ng lipunan.

Partikular na tinukoy ni San Jose Bishop Roberto Mallari ang kaso ng pananambang at pagpaslang kay Rev. Fr. Marcelito Paez na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang salarin mula nang mapatay noong ika-4 ng Diyembre sa Lambakin, Jaen, Nueva Ecija.

Ayon kay Bishop Mallari, ang panawagan ay hindi lang para kay Fr. Tito kundi sa lahat ng mga nagtatrabaho lalo na yaong mga tumutulong sa mga mahihirap.

Nag-alay ng misa ang Diyosesis ng San Jose bilang pag-alala sa unang taon nang pagkamatay ng pari na dinaluhan ng mahigit sa 30 mga Pari at Obispo kasama ang ilang tagasuporta ni Fr. Paez.

Sa huling impormasyong nakuha ni Bishop Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, minamanmanan si Fr. Paez noong dinalaw nito sa kulungan ang isang political prisoner upang asikasuhin ang paglaya nito.

TAGS: CBCP, Church, Fr Tito Paez, CBCP, Church, Fr Tito Paez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.