2-araw na nationwide strike ibinabala ng isang transport group

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 08:33 AM SHARE(S):
File Photo

Nagbanta ng dalawang araw na nationwide transport strike ang grupong PISTON sa pagpasok ng taong 2019.

Ito ay para iprotesta anila ang hindi malinaw at hindi patas na polisiya sa usapin ng tranportasyon.

Tiniyak ni PISTON President George San Mateo na mapaparalisa nila ang transportasyon sa gagawing strike.

Sinabi ni San Mateo na ginagawang gatasan ng LTFRB at DOTr ang transport sector.

Maliban pa dito ang aniya ay patuloy na pambubully sa kanila dahil sa pagsusulong ng phaseout sa mga luma nang jeep.

TAGS: Jeep, phase out, Radyo Inquirer, transport strike, Jeep, phase out, Radyo Inquirer, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.