P3M halaga ng shabu nasabat sa 2 babae sa Bacolod City

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 06:57 AM SHARE(S):

Aabot sa 3 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Bacolod City.

Nahuli rin sa nasabing operasyon ang dalawa babae.

Ikinasa ang buy-bust sa Panaad Park and Stadium ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit at Bacolod City Police Office.

Depensa naman ng dalawang suspek hindi sa kanila ang mga nakuhang illegal na droga at nagtitinda lang sila ng ukay-ukay sa lugar.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: bacolod city, buy bust, War on drugs, bacolod city, buy bust, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.