2 pang tricycle driver na kabilang sa mga naospital dahil sa lambanog, kritikal ang kondisyon

By Dona Dominguez-Cargullo December 06, 2018 - 06:43 AM SHARE(S):

Nananatiling kritikal ang dalawa pang tricycle driver na kabilang sa mga naospital matapos ilang araw na mag-inuman ng lambanog sa Quezon City.

Maliban sa dalawa na kritikal ang kondisyon ay mayroon pang 14 na ginagamot din sa East Avenue Medical Center.

Ang mga naospital ay pawang miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng San Bartolome sa Novaliches.

Apat sa kanilang kasamahan ang nasawi na sina Dennis Cuadra, Crispulo Mateo, Alvin Reyes, at Delfin Bayangos.

Nabatid na sila ay nagsimulang mag-inuman ng lambanog noong Biyernes hanggang Linggo.

Matapos ito ay isa-isa na silang nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at panghihina ng katawan.

Ang lambanog na kanilang ininom ay dinala sa crime laboratory para masuri.

TAGS: lambanog, metro, quezon city, Radyo Inquirer, lambanog, metro, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.