Rohingya refugees sa Bangladesh, binisita ni Cardinal Tagle
Binisita ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na siya ring presidente ng Caritas International ang Rohingya refugees sa bansang Bangladesh.
Ang Caritas ay ang largest charity group ng Simbahang Katolika.
Sa kanyang pagbisita sa isang kampo ng mga Rohingya Muslims sa Cox’s Bazar City, nanawagan si Cardinal Tagle sa international community na ipagpatuloy ang tulong sa naturang Muslim minority.
Ang Rohingya Muslims ay lumikas noong 2016 at 2017 sa Rakhine State sa Myanmar dahil sa umano’y nararanasang pang-uusig.
Ayon kay Tagle, nagdala sa kanya ng kasiyahan ang pagbisita dahil nabibigyan ng atensyon at dignidad ang naturang Muslim minority.
Gayunman anya ay nakararamdam din siya ng kalungkutan dahil hindi tiyak kung panandalian lang ba ang malagim na bahagi ng buhay na ito ng mga Rohingya Muslims.
Masaya naman ang Cardinal sa tulong ng Caritas sa refugees na umaabot na sa $8.92 milyong dolyar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.