Lt. Gen. Briguez itinalagang bagong commanding general ng Air Force

Lt. Gen. Rozzano Briguez
Nagtalaga na ng bagong commanding general ng Philippine Air Force si Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinalaga sa pwesto si Lt. General Rozzano Briguez.

Sa liham na may petsang Dec. 5, ipinabatid ng pangulo ang appoinment ni Briguez kay Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Papalitan ni Briguez si Lt. Gen, Gerard Kintanar na nag-early retirement sa edad na 54.

Read more...