Mga sumukong rebelde na sumailalim sa TESDA training umabot na sa 20K

Pumalo na sa mahigit 20,000 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumailalim sa iba’t ibang training program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa pulong balitaan sa Malacañan, sinabi ni TESDA Executive Director Elmer Talavera na ang naturang bilang ay sa loob lamang ng nakalipas na dalawang taon.

Paliwanag ni Talavera, pinalawak pa kasi ng TESDA ang pagbibigay-tulong sa publiko.

Dagdag ni Talavera na pilit din nilang inaabot ngayon ang mabigyan ng tulong ang hanay ng IPs o indigenous people, gayundin ang sektor ng Persons with Disabilities (PWD) at ito’y sa pamamagitan na rin ng pagbibigay ng skills training at technical education program.

Ipinagmalaki rin ni Talavera na sa bawat 100 indibidwal na dumaan sa training na ipinagkaloob ng ahensiya, 72 rito ang nakakapasok ng trabaho.

Read more...