Isang senador iginiit na may isiningit na pork barrel sa 2019 national budget

By Jan Escosio December 06, 2018 - 12:56 AM

Duda si Senador Ping Lacson na hindi alam ni Senador Loren Legarda na may isiningit na pork barrel sa General Appropriations Act na mula sa Kamara.

Diretsahan tinanong ni Lacson si Legarda, ang chairperson ng Committee on Finance, kung alam nito ang pagsisingit ng mga miyembro ng Kamara ng P56.7 bilyon sa ipinanukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Sa naging sagot ni Legarda sinabi nito hindi na matukoy kung pork barrel ang isiningit sa P3.75 trillion 2019 national budget.

Ayon kay Lacson P57.7 bilyon ang inamyendahan sa National Expenditure Program na mula sa Malacañan at ang bawat isa sa 297 kongresista ay nagkaroon ng P60 milyong alokasyon.

Pagbubunyag pa ni Lacson, may dalawang kongresista mula Pampanga at Camarines Sur, na nakakuha ng P1.9 bilyon at P2.4 bilyon.

Pagdidiin nito pork barrel na maituturing ang naisinigit sa national budget at may grave abuse of authority sa panig ng mga taga-Kamara.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.