Mga obispong kritikal sa administrasyon, pinapapatay ni Pangulong Duterte

By Chona Yu December 06, 2018 - 03:18 AM SHARE(S):

Patayin nyo. Walang silbi.

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga obispo na kritikal sa kanyang administrasyon.

Ayon sa pangulo, hindi siya gagawing presidente ng panginoon kung isa siyang bullshit.

Muli ring nasambit ng pangulo na iba ang kanyang panginoon sa panginoon ng ibang tao.

Ayon sa pangulo, hindi kasi istupido ang kanyang panginoon at mayroong common sense.

Iginiit pa ng pangulo na hindi siya isang atheist o walang relihiyon.

“I couldn’t have made it in life even the barest that I before the presidency without God. Pero itong mga obispo ninyo, patayin ninyo, walang silbi ‘yang mga gagong ‘yan. All they do is criticize,” ani Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.