Paratang na may isiningit na pork barrel sa 2019 budget itinanggi ng liderato ng Kamara

By Erwin Aguilon December 06, 2018 - 02:01 AM

Pinabulaanan ni House Committee on Appropriations Vice-chairman Ma. Carmen Zamora na nagsingit sila ng mahigit isang bilyong piso budget sa distrito ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Zamora, walang mahigit isang bilyong pisong insertion sa 2019 proposed national budget tulad ng akusasyon ni Senador Panfilo Lacson na napunta sa distrito lamang ni Arroyo.

Paliwanag ng kongresista, lahat ng realignments budget ay nasa National Expenditure Program (NEP) at lahat ito ay suhestyon at nirekomenda ng bawat district engineers mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nilinaw pa niya na nasa NEP na ang P1.4 bilyon na hininging budget para sa distrito ni Arroyo at nang pumasa na ito at naging General Appropriations bill ay nagdagdag sila ng P500 milyon.

Paliwanag pa ni Zamora na trabaho ng Kongreso at ng small group na mag realign ng budget bilang bahagi pa rin ng budgetting process dahil kung minsan ay mayroon silang nakakalimutan at mayroon mga pagbabago.

Iginiit naman ni COOP-Natco Representative Anthony Bravo na bahagi rin ng small group na hindi lamang sa distrito ni GMA nagkaroon ng realignment kundi sa mahigit pa sa 10 kongresista.

Hinamon naman ni House Minority leader Danilo Suarez si Lacson na maglabas ng ebidensiya sa kanyang mga akusasyon at subukan munang maging kongresista para maintindihan ang trabaho nila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.