Babaeng nahulihan ng bala sa NAIA hindi pinakain ng mga Airport officials

By Chona Yu November 12, 2015 - 08:15 PM

Senate-tanim-bala
Inquirer file photo

Hindi binigyan ng pagkain o tubig ng Manila International Airport Authority (MIAA) si Gloria Ortinez matapos i-detain sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ng dalawang araw makaraan umano siyang makuhanan ng bala sa kanyang bag.

Sa pagtatanong ni Senador Grace Poe, tinanong nito si Ortinez kung binigyan o inalok ito ng pagkain o tubig habang naka-detain noong October 25.

Ayon sa Ginang, Saka lamang siya nakakain kinabukasan na October 26 nang dumating na ang kanyang anak na nanggaling pa sa Laoag City.

Agad naman na humingi ng paumanhin si Poe kay Ortinez dahil sa naging pagkukulang ng pamahalaan.

Kung ang preso aniya o mga bilanggo sa bansa ay pinapakain dapat bigyan din ng ganitong serbisyo ang mga nakukuhanan ng bala sa NAIA.

Sinabi pa ni Ortinez na ni hindi rin niya nakita ang mga Airport officials na sina General Manager Jose Angel Honrado at si Office for Transportation Security Administrator Roland Recomono sa kanyang dalawang araw na pananatili sa NAIA.

Katunayan sa Senate hearing lang niya nakita ang dalawang opisyal matapos humarap sila sa imbestigasyon.

TAGS: Honrado, MIAA, NAIA, Ortinez, tanim bala, Honrado, MIAA, NAIA, Ortinez, tanim bala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.