Easterlies patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-uulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga Region, Camiguin, Misamis Oriental, Davao Occidental, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, ito ay dahil sa patuloy na pag-iral ng Easterlies o mainit na hanging mula sa dagat-Pacifico.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Sinabi naman ng PAGASA na babalik na ang hanging Amihan ngayong weekend sa Northern Luzon.
Sa ngayon ay walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.