Suspek sa pagpatay sa DepEd employee arestado na

By Isa Avedaño-Umali December 06, 2018 - 01:32 AM

NCRPO PIO

Natimbog na ang mga suspek sa pagpatay sa Ateneo student at empleyado ng Department of Education (DepEd) na si Francis de Leon.

Sa isang press conference, iprinisenta nina Marikina Mayor Marcelino Teodoro at National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Guillermo Eleazar ang mga naarestong suspek.

Ayon kay Teodoro, lubos siyang nakikiramay sa pamilya ni De Leon, at ang pinakamagandang maibibigay nila sa mga mahal sa buhay ng biktima ay ang hustisya.

Naglaan si Teodoro ng pabuya o reward para sa makakapagturo sa mga suspek.

Sinabi ni Marikina City Police Chief Senior Superintendent Roger Quesada, nasa tatlong suspek ang sangkot sa pagholdap at pagpatay kay de Leon.

At batay naman sa tipster o informant, ang mga suspek ay sina Jayvee Santos alyas “Diablo” at alyas “Pogi.”

Ayon sa tipster, noong November 30 ay hinakayat daw siya ng mga suspek na sumama sa gagawing panghoholdap, ngunit hindi siya sumama.

Kinabukasan, December 1, muling bumalik daw si alyas Diablo at ipinagyabang ang nakuha niyang cellphone mula sa panghoholdap, at sinabihan daw siyang tulungan na ibenta ang unit, kapalit ng parte sa pera.

Pero nakita raw ng tipster sa social media na may natagpuang patay sa J. Molina Street, Concepcion I, kaya ipinaalam niya ito sa mga otoridad, na nagsagawa naman kaagad ng operasyon sa ikadarakip ng mga suspek.

Kapwa nakakulong sina alyas Diablo at Pogi sa Marikina Police Station at nahaharap sa kasong robbery-murder.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.