Inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang initial order ng party-list groups na lalabas sa opisyal na balota sa May 2019 midterm elections.
Nagkaroon ng electronical raffle ang COMELEC kung saan tinukoy kung anong party-list ang mangunguna sa listahan sa balota.
Base sa datos ng poll body, mayroon 181 party-list groups na naghain ng kanilang Certificate of Nominations and Acceptance (CONA) noong Oktubre.
Ang Bayan Muna party-list ang napili sa electronic raffle na manguna sa listahan.
Ang Kasosyo Producer-Consumer Exchange Association, Inc. party-list ang huling napili.
Nilinaw naman ni COMELEC spokesperson James Jimenez na hindi pa pinal ang pagkakasunod ng party-list groups.
Ito aniya ay resulta lang ng raffle at hindi pa ang final assignments of order of appearance sa balota.