Thirdy Ravena muling itinanghal bilang MVP

By Len Montaño December 06, 2018 - 12:17 AM SHARE(S):

Itinanghal si Thirdy Ravena ng Ateneo Blue Eagles bilang Most Valuable Player (MVP) ng UAAP Season 81 finals.

Nagtala si Ravena ng 38 points, 5 rebounds, 6 assists at 3 steals.

Dahil dito ay tumaas ang kanyang finals average sa 29.5 points, 8 rebounds, 6.5 assists at 2.5 steals.

Ito na ang ikalawang sunod na Finals MVP ni Ravena.

Tinapos ng Ateneo ang Finals matapos manalo sa Game 2 laban sa University of the Philippines sa score na 99-81 para sa kanilang back-to-back championship sa ilalim ni Coach Tab Baldwin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.