Sandiganbayan iginiit na walang ibinigay na special treatment kay Imelda Marcos
Itinanggi ng dalawang Justices ng Sandiganbayan na may special treatment kay dating Unang Ginang Imelda Marcso na pinayagang magpiyansa kahit nahatulan itong guilty sa ilang counts ng graft.
Sinabi ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) na hindi siya naniniwala na may special treatment kay Marcos.
Si Tang ay isa sa 20 kandidato sa posisyong Supreme Court Associate Justice na mababakante sa pagreretiro ni Justice Noel Tijam sa January 2019.
Na-convict si Marcos sa 7 counts ng graft and corruption at pinayagang magpiyansa ng P150,000 para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.
Ayon kay Tang, bailable ang mga kaso ni Marcos kaya pinayagan ang provisional liberty nito.
Ito rin ang posisyon ng isa pang kandidato sa naturang SC post na si Associate Justice Edren Dela Cruz.
Polisiya anya ng korte na ang akusadong na-convict sa bailable offense ay obligadong maglagak ng piyansa na doble ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.