Kasong child abuse isinampa kina Representative Antonio Tinio at Ariel Casilao

By Len Montaño December 06, 2018 - 01:21 AM

Sinampahan ng kasong child abuse ang mga kongresista na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina ACT Teachers Representative Antonio Tinio at Anakpawis Representative Ariel Casilao kaugnay ng protesta sa Davao City noong Oktubre na dinaluhan ng mga menor de edad.

Ayon kina Tinio at Casilao, nakatanggap sila ng subpoena ukol sa kaso noong Martes December 4.

Sa reklamo ni Senior Inspector Lilibeth Remolar, maraming bata ang sumama sa rally sa Freedom Park sa Davao City noong October 23.

Ang mga bata aniya ay tinuruan na sumigaw at naghawak ng mga placards na may nakasulat na laban sa administrasyon.

Nasa affidavit din ng pulis na ang 2 kongresista at ibang progresibong grupo ay inimpluwensyahan ang mga bata na magalit at lumaban sa gobyerno.

Itinuring naman ni Tinio na harassment ang kaso dahil tinatarget silang mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Kinondena nito ang reklamo dahil pinalabas na krimen ang karapatan nilang magsalita sa rally.

Naniniwala naman si Casilao na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nasa likod ng reklamo dahil ito ang sumita sa kanila ng umanoy pag-himok sa mga bata na sumali sa rally.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.