Serye ng pamamaslang sa mga tauhan ng BuCor pinaiimbestigahan ng DOJ

By Len Montaño December 06, 2018 - 01:42 AM SHARE(S):

Pinaiimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang serye ng pag-atake sa mga opisyal at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nais malaman ni Guevarra kung may pattern ang mga insidente.

Dapat aniyang matukoy at malitis ang mga responsable sa pag-atake sa BuCor personnel.

Pahayag ito ng kalihim kasunod ng pagpatay kay Chief Inspector Angelito Padilla sa Muntinlupa City.

Si Padilla ang ikalawang tauhan ng BuCor na pinatay ngayong 2018.

Noong September 2, patay sa pamamaril ng riding in tandem si Inspector Romel Reyes malapit sa Sunken Garden ng New Bilibid Prison.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.