Babae arestado matapos magpanggap na dating-NCRPO chief

By Rhommel Balasbas December 06, 2018 - 03:58 AM SHARE(S):

Timbog ang isang babae matapos magpanggap na dating direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para mangikil sa Parañaque.

Nakilala ang suspek na si Dianne May Navarez na nagpanggap bilang si dating NCRPO Director Camilo Cascolan.

Ayon sa report ng pulisya, nagpakilala si Navarez bilang si ‘General Cascolan’ at nangako sa isang Emmanuel Bugayon Carlos na ibabalik ito sa serbisyo sa Philippine National Police basta’t magbabayad ito ng P10,000.

Nakatakdang magsampa ng kasong kriminal si Cascolan kay Navarez sa paggamit nito ng kanyang pagkakakilanlan.

Nahaharap na rin sa kasong extortion ang babaeng suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng NCRPO.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.