Cedric Lee, kinasuhan ng Graft

June 22, 2015 - 08:46 PM

cornejo-lee-0411
Inquirer file photo

Sinampahan sa Sandiganbayan  ng kasong katiwalian ang negosyanteng si Cedric Lee dahil sa umano’y hindi natuloy na konstruksyon ng isang palengke sa Mariveles, Bataan noong 2005.

Bukod kay Lee, kasama din sa kinasuhan ng Malversation at paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act si dating Mariveles Mayor Angel Peliglorio Jr.

Nabatid na noong 2005, kinontrata ni Mayor Peliglorio ang kumpanyang pag-aari ni Lee na Izumo Contractors Inc. para sa konstruksyon ng Mariveles Public Market na nagkakahalaga ng 14 million pesos.

Ngunit ayon sa Ombudsman, sa kabila nang pagbibigay ni Peliglorio ng downpayment sa kumpanya ni Lee, hindi nasimulan ang proyekto.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ang pagbabayad ng downpayment ay ginawa ng walang Guarantee of Performance na isang paglabag sa alintuntunin ng Commission on Audit (COA).

Magugunita na Enero ng nakaraang taon nang masangkot sa kontrobersiya si Lee at mga kaibigan nito nang maakusahang nanggulpi sa actor-comedian na si Vhong Navarro dahil naman sa actress-model na si Deniece Cornejo. / Jan Esosio

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.