Free ride handog ng Grab matapos ang makasaysayang ‘Battle of Katipunan’

By Rhommel Balasbas December 06, 2018 - 03:39 AM SHARE(S):

May alok na free rides ang Grab Philippines matapos ang ‘Battle of Katipunan o makasaysayang labanan ng Ateneo de Manila University (ADMU) at University of the Philippines (UP) sa championship ng UAAP Season 81 men’s basketball.

Kapwa nasa Katipunan avenue ang dalawang pamantasang ito.

Sa isang post sa Twitter nag-abiso ang Grab Philippines na pwedeng gamitin ang promo code na GRABUAAP para sa libreng sakay na may halagang hanggang P250 papunta at paalis saanmang bahagi ng Katipunan Avenue.

Tatagal ang free ride promo hanggang alas-11:59 ngayong gabi ng Huwebes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.