Pokwang nangakong hindi papapanoorin ng animal show sa circus ang anak

By Justinne Punsalang December 06, 2018 - 12:11 AM SHARE(S):
Pokwang

Dinala ni Pokwang sa social media ang kanyang adbokasiya laban sa animal cruelty at nangakong hindi papapanoorin ang bunsong anak ng animal shows sa circus.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Pokwang ang litrato ng mga sugatang binti ng isang elepante na naka-kadena.

Sa caption ng post, sinabi ng komedyante na hindi dapat sinusuportahan ang mga animal shows kung saan sinasaktan ang mga hayop na kanilang ipinamamalas.

Aniya pa, tila mas asal hayop pa ang mga tao.

Ginamit din ni Pokwang ang #stopanimalcruelty at #notoanimalcircuses.

Maging ang iba pang mga celebrities gaya nina Karla Estrada at Angel Locsin ay nagpahayag ng pagsang-ayon kay Pokwang.

Ayon kay Karla, dati pa siyang hindi interesado sa nga animal shows.

Habang si Angel naman ay sinabing dapat ay maranasan din ng mga animal trainers ang nararanasan ng mga hayop.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.