Publiko binalaan tungkol sa pagpapaputok ngayong Bagong Taon

By Rhommel Balasbas December 06, 2018 - 04:37 AM

Muling nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko tungkol sa panganib ng pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Inilunsad kahapon ng DOH, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at EcoWaste Coalition ang ‘Oplan: Iwas Paputok’.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Charade Grande na mayroon namang mga ligtas na paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon gaya ng panonood ng community fireworks display at pag-iingay gamit ang mga torotot o kaya ay palanggana.

Ang Picollo, kwitis, lusis at fountain ang nagdulot ng pinakamaraming mga nasaktan sa pagsalubong sa bagong taon.

Inihayag naman ng mga opisyal na bumaba ng 27 percent ang firecracker related-injuries mula December 21, 2016 hanggang January 6, 2017 kumpara sa mga nagdaang taon.

Iginiit ng mga ito na determinado pa rin silang pababain ang bilang ng firecracker-related inuries.

Samantala, nangako naman si PNP Firearms and Explosives Office spokesperson Chief Inspector Domer Tadeo na babantayan ang mga lugar na may mataas na kaso ng firecracker injuries at pagpapaputok ng baril.

Mula Disyembre 22 hanggang January 5 naman ay nasa full alert status na ang BFP para antabayanan ang mga insidente ng sunog ngayong holiday season.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.