Nais ng nasa mahigit 60 mga kakandidato para sa nalalapit na 2019 midterm elections na mabigyan sila ng pulisya ng proteksyon.
Ayon kay Philippine National Police – Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) Director Filmore Escobal, 64 na mga kandidato ang humiling ng security mula sa kanilang hanay.
Mula sa naturang bilang, tatlo dito ay tumatakbo bilang mga senador, 49 ang bilang kongresista, anim ang bilang alkalde, tatlong dating mga opisyal ng pamahalaan, at tatlong pribadong mga indibidwal.
Ang naturang mga kahilingan ng mga kandidato ay matapos ang mga pag-atake sa mga pulitiko sa lalawigan ng Batangas, Cavite, at La Union.
Ayon kay Escobal, bago nila payagan ang kahilingan ng mga kandidato, kailangan muna nilang sumailalim sa assessment ng PSPG upang malaman kung sila ba karapat-dapat bigyan ng proteksyon mula sa PNP.
Kabilang aniya sa kanilang ikokonsidera ay kung dati na bang nabiktima ang mga ito ng political violence at kung mayroon bang presensya ng private armed groups sa kanilang kinaroroonan.
Dagdag pa nito, kakailanganin pa ng approval mula sa Commission Election (COMELEC) bago tuluyang ideploy ang nasa 116 mga police security personnel.