Russian President Putin hindi dadalo sa APEC summit

Russian President Vladimir Putin chairs a meeting in the Kremlin in Moscow, Friday, June 7, 2013. (AP Photo/RIA-Novosti, Alexei Nikolsky, Presidential Press Service)
 (AP Photo/RIA-Novosti, Alexei Nikolsky, Presidential Press Service)

Kinumpirma ng Kremlin na hindi makadadalo sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting si Russian President Vladimir Putin.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Putin na si Dmitri Peskov na magiging kinatawan sa APEC ng kanilang lider si Prime Minister Dmitri Medvedev.

Sinasabing may mga naunang commitment ang Russian leader kaya hindi makapupunta sa Maynila para nasa nasabing leaders’ meeting.

Nauna dito ay sinubukan pang pakiusapan ng APEC 2015 organizing committee ang Russian Embassy na kumuha ng ibang hotel para sa kay Putin dahil masyadong malayo ang EDSA-Shangrila Hotel sa mga venue ng mga pagpupulong.

Karamihan sa mga Economic Leaders na dadalo sa pulong ay tutuloy sa mga hotel na matatagpuan sa Makati at Pasay City.

Si Putin ang ikalawa sa mga lider na nagpahayag na hindi makadadalo sa APEC summit makaraang ianunsyo kanina ng tagapagsalita ni Indonesian President Joko Widodo na hindi rin ito makararating sa leaders’ meeting.

Read more...