2 tulak ng droga arestado sa isang mall sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 06, 2018 - 03:33 AM SHARE(S):
Contributed photo

Kalaboso ang dalawang sinasabing tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos magkasa ng drug buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Socorro sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Melchor Guadiz, 48 taong gulang at Olga Macabangon, 46 taong gulang.

Nasamsam mula sa mga ito ang 17 sachet ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone na gamit ng mga drug suspek sa kanilang transaksyon, at buy bust money.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.