2 patay sa pagsabog ng isang gas station malapit sa Rome

By Justinne Punsalang December 06, 2018 - 12:41 AM SHARE(S):

Nasawi ang dalawa katao, habang sugatan ang 10 iba pa matapos magkaroon ng pagsabog sa isang gas station sa kahabaan ng Salaria highway malapit sa Rome, Italy.

Ayon sa mga otoridad, isang sibilyan at isang bumbero ang nasawi dahil sa insidente.

Sa 10 sugatan, dalawa dito ang nagtamo ng matinding pinsala.

Nabatid na naganap ang pagsabog habang nagsasalin ng krudo ang isang oil tanker sa gas station.

Sa ngayon ay nakasarado na ang Salaria highway, bagaman kontrolado na ang sunog na resulta ng pagsabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.